Isang lider ng minorya sa Kamara, handang idulog sa Supreme Court ang unprogrammed appropriations sa ilalim ng 2026 national budget

Nagbanta si House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan City 2nd District Representative Edgar Erice na idudulog sa Supreme Court ang nakapaloob na unprogrammed appropriations sa panukalang 2026 national budget.

Sang-ayon si Erice na mas maayos ang 2026 budget kumpara sa mga nagdaang pambansang budget, pero dismayado siya na naglalaman pa rin ito ng unprogrammed funds na aniya’y labag sa Konstitusyon.

Diin ni Erice, walang tiyak na source of financing ang unprogrammed funds kaya hindi ito maaaring payagan nang walang malinaw na pagkukunan ng kita.

Dagdag pa niya, namamanipula ang unprogrammed appropriations at nagagamit lamang sa mga pet projects at sa mga ghost o substandard na proyekto.

Facebook Comments