Isang lider ng Quadcom, naniniwalang may conflict of interest sa plano ni Sen. Dela Rosa sa imbestigasyon sa drug war

May nakikitang conflict of interest si House Quad Committee Co-chairman at Sta. Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez sa plano ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na imbestigahan ang war on drugs ng administrasyong Duterte.

Paliwanag ni Fernandez, ito ay dahil may mahalagang papel na ginampanan si Dela Rosa sa war on drugs campaign bilang hepe noon ng Philippine National Police (PNP).

Ipinunto ni Fernandez, lalabas na iimbestigahan ni Bato ang kanyang sarili sa isyu ng extra judicial killings at reward system sa ilalim ng war on drugs.


Reaksyon ito ni Fernandez sa sinabi ni Dela Rosa, na ikakasa niya na magsagawa rin ng imbestigasyon ang Senado ukol sa war on drugs kung saan iimbitahan nila si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments