Isang limang taong gulang na bata mula Wuhan, China; Isinailalim sa quarantine matapos magpositibo sa non-specific corona virus

231

Under investigation ngayon ng Department of Health ang isang tao na posibleng nagtataglay ng corona virus-like symptoms.

 

Sa press conference ng DOH, kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na isinailim nila sa quarantine ang isang limang taong gulang na bata na bumiyahe mula sa Wuhan, China at na-admit sa Cebu City.


 

Ito ay matapos makitaan ng lagnat, throat irritation at ubo bago pumasok sa bansa.

 

 

Nagtungo raw sa Cebu ang bata para mag-aral ng wikang ingles.

 

Dumating ito noong Enero 12, 3:00 ng hapon at agad na-confine sa ospital pagsapit ng 6:00 ng gabi.

 

Ayon kay Duque, agad na sinuri Ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang sample mula sa pasyente pero negatibo ito sa middle east respiratory syndrome coronavirus o mers-cov at severe acute respiratory syndrome o sars.

 

Pero nagpositibo ito sa non-specific corona virus kaya pinadala na rin sa laboratoryo sa australia ang sample ng pasyente para matukoy ang corona virus strain nito.

 

 

Bukod rito, kinumpirma din ni Duque na may minomonitor rin silang tatlo pang indibiduwal na nakitaan ng flu-like symptoms nang dumating sa bansa sa Kalibo International Airport mula sa China pero wala aniya itong history ng biyahe sa Wuhan.

 

Ipinadala na rin sa RITM ang throat sample mula sa pasyente upang suriin.

 

Facebook Comments