Isang Linggo Matapos Ang Itinakdang Deadline… Liberal Party, Nakapagsumite Na Ng Statement Of Contributions And Expendit

MANILA – Nakapagsumite na ang Liberal Party (LP) ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commision on Elections (Comelec), kahapon.Ayon sa deklarasyon ng LP, nakatanggap ang partido ng halos 241-million pesos na kontribusyon na siya ring halaga ng kanilang ginastos noong nakaraang eleksyon.Pero paliwanag ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, kailangang hintayin ang desisyon ng en banc kung pagbibigyan ang hirit ng mga partido na i-extend ang deadline ng SOCE dahil na rin sa dami ng kanilang mga papeles.Nakasaad sa batas, na hindi papayagang makaupo sa pwesto ang mga nanalong kandidato hanggang hindi nakakapagsumite ng soce ang kanilang partido.Para naman kay Comelec Commissioner Luie Guia, batay sa resolusyon ng poll body malinaw na hindi papayagan ang anumang extension ng deadline.Aniya, kapag nagkataon ay maaring maapektuhan ang posisyon ni Vice President-elect Leni Robredo at iba pang nanalong miyembro ng LP kahit na napakagsumite na sila ng sarili nilang SOCE.Samantala, hindi kasama sa isinumite ang listahan ng kontribusyon at nagastos ni LP standard bearer Mar Roxas na hindi rin nakapagpasa sa itinakdang deadline.

Facebook Comments