
Kahit isang linggo na ang nakalipas matapos nanalasa ang Bagyong Crising, Dante, at Emong, maging ng habagat, marami pa rin ang nananatili sa mga evacuation center.
Sa datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 100,000 na mga indibidwal o katumbas ng 29,000 na pamilya ang namamalagi pa rin sa 1,017 evacuation centers sa buong bansa.
Nasa 22,608 families o 84,807 individual ang namamalagi sa kanilang kaanak.
Sa kaubuuan, aabot na sa 2.1 milyong pamilya o 7.9 million na mga indibidwal ang naapektuhan ng kalamidad.
Umabot na sa ₱771.4 million ang kabuuang halaga ng tulong na naipagkaloob ng DSWD sa mga nasalanatan ng kalamidad.
Facebook Comments









