Isang Linggong Aktibidad Para sa mga PDL ng BJMP Ilagan, Isinasagawa!

City of Ilagan, Isabela – Sinimulan na kahapon ang isang linggong aktibidad ng mga Persons Deprive of Liberty (PDL) ng BJMP Ilagan bilang bahagi ng taunang National Consciousness Week tuwing buwan ng Oktubre.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Jail Senior Inspector Jose Bangug Jr., ang District Jail Warden ng BJMP Ilagan, sinabi niya na maraming aktibidad ang gagawin ng may kabuuang dalawang daan at labing pitong PDL sa Ilagan.

Aniya, ilan dito ang libreng gupit na mula sa city government ng Ilagan sa pangunguna ni City Mayor Evelyn “Mudz” Diaz.


Sinabi pa ni Jail Senior Inspector Bangug Jr. na magkakaroon din ng ball games kung saan ang mga uniporme umano ng mga manlalarong PDL ay mula parin sa butihing mayora ng lungsod na si Mayor Evelyn Diaz.

Magkakaroon din aniya ng feeding program, got talent, search for Mr. Pogi at iba’t ibang aktibidad na makakapagbigay aliw sa mga PDL ng BJMP Ilagan.

Samantala, nanawagan naman si JSI Bangug na bukas ang BJMP Ilagan sa mga gustong manood sa isinasagawang okasyon kung saan ay magtatapos ito sa araw ng Sabado, October 27, 2018.

Facebook Comments