Isang linggong inspection sa mga government hospital sa NCR, tinapos na ng ARTA

Tapos nang sumailalim sa on-site inspection ang 48 Government hospitals sa National Capital Region (NCR) na isinagawa ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).

Ginawa ang inspections ng Compliance Monitoring and Evaluation Office, para matiyak ang pagsunod ng mga ospital sa Republic Act 11032, o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Layon din ng ARTA na makakulekta ng essential data at information may kinalaman sa mga procedure, prerequisites at processing times sa paghawak ng applications para sa Medical Assistance.


Ayon kay ARTA Secretary Ernesto Perez, ang inisyatibang ito ay mahalaga sa pagbuo ng isang Executive Order o EO upang i-standardize at pagtugmain ang proseso ng medical assistance applications sa mga government hospital.

Unang inspection na isinagawa ng ARTA ay sa National Kidney and Transplant Institute o NKTI noong Setyembre 25.

Facebook Comments