ISANG LINGGONG OPERASYON KONTRA WANTED PERSONS SA REGION 1, NAGING PRODUKTIBO

Nagresulta sa pagkakaaresto ng 32 wanted persons kabilang ang 7 Most Wanted sa isinagawang operasyon ng Police Regional Office (PRO) 1 mula December 11 hanggang 17, 2025.

Sa tala, kabilang sa mga naaresto ang isang regional, isang city-level at 5 municipal-level most wanted, bukod pa sa 25 indibidwal na wanted persons.

Pinakamaraming nadakip sa Pangasinan na may 19 indibidwal, sinundan ng Ilocos Sur PPO na nasa walo at La Union PPO na nasa tatlo.

Ayon sa pulisya, patunay ang operasyon sa mahigpit at tuluy-tuloy na kampanya ng laban sa kriminalidad, bilang bahagi ng adbokasiya para sa kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Facebook Comments