ISANG LINGGONG OPERASYON NG PANGASINAN PNP, NAGRESULTA SA PAGKAKASAMSAM NG KABUUANG ₱1.3M HALAGA NG ILIGAL NA DROGA

Nasakote ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang mahigit 1.3 milyong pisong halaga ng iligal na droga sa isang linggong serye ng mga operasyon mula February 23 hanggang March 1, 2026.

Sa loob ng isang linggo, naisagawa ang 12 operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng 14 na indibidwal at pagkakasamsam ng 196.9 gramo ng shabu at 6 gramo ng tuyong marijuana na may tinatayang street value na ₱1,339,640.00.

Bukod dito, pinaigting din ang kampanya kontra ilegal na sugal kung saan tatlong operasyon ang isinagawa laban sa dalawang bookies at isang drop ball activity. Siyam na indibidwal ang naaresto at nakumpiska ang ₱25,130 na pera.

Sa usapin ng smuggling, umabot sa 72 anti-smuggling operations ang isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan. Samantala, tatlo ang naaresto sa operasyon laban sa ilegal na baril at pampasabog, kung saan dalawang baril ang nakumpiska.

Patuloy namang hinihikayat ng Pangasinan PNP ang publiko na makipagtulungan sa awtoridad, mag-ulat ng anumang ilegal na aktibidad, at maging katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa buong lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments