Nagsimula nang ipatupad ng Philippine National Police ang suspensyon ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) sa National Capital Region (NCR) para sa paghahanda sa seguridad na ipapatupad sa Lunes ang huling State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa inilabas na memorandum ng PNP na pirmado ni PNP Chief General Guillermo Eleazar, na simula alas-8 ng umaga nitong July 21 ay sinimulan nang ipinatupad ang suspensyon ng PTCFOR sa NCR na magtatagal hanggang alas-8 ng umaga sa July 28.
Pinapayagan lang na magbitbit ng baril sa NCR ang mga miyembro ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang law enforcement agencies na magsasagawa ng kanilang official duties.
Bukod sa kanila pinapayagan din magbitbit ng baril ang mga nasa agency prescribed uniforms.
Layunin ng hakbang na ito ng PNP na matiyak na lahat ng aktibidad na may kinalaman sa SONA ay walang sibilyan ang makakapagbitbit ng baril para masigurong magiging payapa at maayos ang SONA.