Isang local official binawi ang suporta sa PNP

Binawi ng isang local official sa Metro Manila ang kanilang suporta sa Philippine National Police matapos na palitan ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang chief of police sa kanyang nasasakupang lungsod.

Ayon kay Albayalde napaka childish at unproffesional ang ginawa ng local official na ito.

Maging ang mga posters na nakasaad ang mga PNP hotlines ay pinagtatanggal din sa buong lungsod ng local officials na ito bilang ganti sa pagalis sa Chief of Police.


Giit ni Albayalde hindi dapat inaalis ang mga posters dahil bahagi ito ng Crime prevention at crime solution effort ng PNP.

Hindi naman partikular na tinukoy ni Albayalde ang local official dahil panahon eleksyon.

Pero makikita ang lungsod na ito sa eastern part ng Metro Manila.

 

Facebook Comments