Kilala ang probinsya natin na maraming mahuhusay pagdating sa musika at pagsulat ng mga kanta kung kaya’t isa si Ruth Lee Resuello na isang inspirasyon sa kanyang mga sinusulat na Pangasinan songs. Siya ay pinanganak sa Cagayan ngunit ang kanyang ama at ina ay tubong San Carlos City at Bayambang.
Ayon sakanya, bata palang daw siya ay kinahihiligan na niya ay musika at natuto na rin siyang magpatugtog ng mga iba’t ibang Instrumento. Nais niyang itaas muli ang bandera ng mga Pangasinan songs dahil gusto niyang hikayatin ang mga kabataang at mga Pangasinan artists na huwag ikahiya ang ating sariling lenggwahe. Isa sa kanyang naisulat ay may title na “Anto kasi ngaran tu man?” at ang isa sa kanyang paboritong kanta ay “Anta yo ey?”.
Ginagamit rin niya ang kanyang talentong ito para makapag-ambag sa komunidad at mas magkaroon ng impact sa mga susunod pang henerasyon sa pamamagitan ng musika.
Dagdag pa niya, hindi ganon kadali ang proseso dahil marami kang pagdadaanan sa pagpromote ng iyong musika at mga kanta subalit para sa kanya, consistency is the key. Alamin mo rin ang purpose mo bakit mo ginagawa ang isang bagay. |ifmdagupan
Facebook Comments