Isang Lola, nasawi sa pananalasa ng Bagyong Quinta sa Quezon

38

Nasawi ang isang 70-anyos na lola matapos mabagsakan ng puno ng niyog ang kanyang tinitirhang kubo sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Quinta sa Sitio Munting Ilog, Barangay Cagsiay 3, sa bayan ng Quezon.

Kinilala ang biktima na si Gloria Rivas at siya ang unang naitalang fatality sa Quezon province dahil sa bagyo.


Alas-2:00 ng hapon nang natutulog ang biktima sa loob ng kaniyang kubo nang humampas ang malakas na hangin na nagpatumba sa puno ng niyog at bumagsak ito sa kaniyang bahay.

Agad na rumesponde ang mga residente at local officials pero huli na para masagip nila ang biktima.

Facebook Comments