Isang lola pinagsasaksak ng kanyang houseboy, patay sa Q

Quezon City – Pinatay ng saksak ang isang lola ng kanyang sariling houseboy sa #36 Sto. Domingo Street, Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Priscila Trinidad, 86 anyos, residente sa naturang lugar.

Ayon kay Police Supt. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit, natagpuang nakahandusay sa kanilang tahanan si Trinidad kaninang alas 11:30 ng umaga tadtad ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.


Sabi ni Marcelo, nawawala ang hindi pa malamang halaga ng pera at alahas ng matanda at tanging ang kanyang boy lamang umano ang kasama ng lola na tumakas matapos ang naturang krimen.

Hinala ng mga awtoridad na ang kanyang sariling houseboy ang pumaslang sa lola kung saan subject ngayon ng manhunt operation ng mga operatiba ng QCPD.

Pagnanakaw ang tinitingnang motibo ng mga awtoridad sa naturang karumal dumal na krimen.

 

Facebook Comments