
Nakumpiska sa isang lolo ang mga baril at iba’t ibang parte ng loose firearms sa ikinasang search warrant ng mga Rizal Philippine National Police (PNP) sa Baras, Rizal.
Kinilala ang suspek sa alyas ‘Lito’ 67 na taong gulang.
Ayon kay Provincial Director PCol. Felipe Marragun ng Rizal Provincial Police Office (PRO) na ang suspek ay sangkot sa gun suite kung saan nag-do “Do-it-Yourself” umano ito sa paggawa ng baril.
Nakuha mula sa suspek ang isang M16 Rifle, dalawang .22 caliber revolver, at mga piyesa mula sa iba’t iba baril tulad ng upper receiver.
Napag-alaman din na ang mga narekober na baril ay walang mga lisensya.
Nasa kustodiya na ng Baras Municipal Police Station ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na may kaugnayan sa Omnibus Election Code.
Dadalhin naman ang mga nakumpiskang baril sa forensic unit upang isailalim sa ballistic examination.