ISANG LOLO, PATULOY NA PINAGHAHANAP MATAPOS MALUNOD SA MOUNTAIN PROVINCE

CAUAYAN CITY- Patuloy ang ginagawang search and rescue operation ng mga otoridad ang isang lolo matapos malunod sa Sitio Pangpang, Barangay Losad, Sabangan Mountain Province.

Ang pinaghahanap na lolo ay kinilalang si Francis Angel, 68-anyos, at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa Sabangan Municipal Police Station, nakatanggap ng impormasyon ang kanilang hanay hinggil sa nangyaring insidente.


Agad namang nagtungo sa lugar ang mga ito kasama ang mga tauhan ng Mountain Province Provincial Mobile Force Companies, the Bureau of Fire Protection, the Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, at local volunteers upang hanapin ang nawawalang indibidwal.

Facebook Comments