Isang lolo pinagbabaril patay sa bayan ng Carmen North Cotabato

Wala ng buhay ng matagpuan ng kanyang apo ang isang 66-anyos na lolo sa isang kubo particular sa Flores Mango plantation sa brgy. Nasapian, sa bayan ng Carmen sa lalawigan ng North Cotabato, . Kinilala ang biktima na si Alberto Villarubia Danlag residente ng Purok 1, Barangay Poblacion, sa bayan ng Carmen. Biyernes ng gabi ng madiskubre at matagpuan ng kanyang apo ang nakahandusay na matanda na wala ng buhay sa isang kubo matapos ang ginawang paghahanap sa kanya .May mga tama ng baril sa katawan ang biktima na pinaniniwalaang pinagbabaril. Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasiyon ng pulisya hinggil sa motibo sa pagkamatay ni lolo Danlag.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments