Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang LPA sa layong 345 kilometers silangang bahagi ng Virac, Catanduanes.
Dahil dito, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang buong Visayas, Mimaropa, Bicol Region at Quezon.
Asahan pa rin na makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa hapon at gabi ang Metro Manila at natitirang bahagi bansa dulot ng localized thunderstorm.
Maliit naman ang posibilidad na maging bagyo ang namataan na LPA.
Facebook Comments