Isang Magsasaka, huli sa Search Warrant Operation sa Angadanan, Isabela!

*Angadanan, Isabela- *Arestado ang isang magsasaka matapos silbihan ng Search Warrant bandang alas singko kaninang madaling araw sa Brgy. Minanga Proper, Angadanan, Isabela sa pangunguna ni Police Senior Inspector Ardee L Tion.

Kinilala ang suspek na si Ronnie Lorenzo, 53 anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nasamsaman si Lorenzo ng isang unit ng homemade gauge 12 shotgun sa bisa ng Search Warrant na ipinalabas ni hukom Reymundo L. Aumentado ng RTC branch 20, Cauayan City, Isabela.


Dinala na sa himpilan ng PNP Angadanan ang nakumpiskang baril maging ang suspek para sa inquest proceedings.

Facebook Comments