ISANG MAGSASAKA, NAHAHARAP SA KASONG PARRICIDE

CAUAYAN CITY – Nadakip ng Bayombong Police Station ang 79-anyos na magsasaka sa Barangay Paitan, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang suspek na si alyas “Reyteng”, byudo, residente ng nasabing barangay, at kabilang sa Top 10 Regional MWP.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 28, Bayombong, Nueva Vizcaya sa kasong parricide na walang nirerekomendang pyansa.


Nadakip si alyas “Reyteng” ng pinagsanib na pwersa ng PNP Bayombong, 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company, at Provincial at Regional Intelligence Unit 2.

Facebook Comments