Isang Magsasaka sa Ramon, Isabela, Inaresto ng mga otoridad!

104

Ramon, Isabela – Timbog ang isang magsasaka dahil sa kasong panggagahasa matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest nito dakong alas nuebe kaninang umaga sa Brgy. Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Kinilala ang nahuli na si Daniel Angangan Salvador, 34 anyos, binata, isang magsasaka at nakatira sa naturang lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto ng PNP Ramon sa pangunguna ni SPO1 Richard T. Macapia kasama ng ilang tauhan ng RID2 si Salvador sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Rodolfo B. Dizon ng RTC Branch 18, City of Ilagan, Isabela dahil sa kasong Rape.

Dinala ang akusado sa RTC Branch 18, City of Ilagan para sa kaukulang disposisyon at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments