Isang malaking billboard na nakakabit sa isang mall sa Maynila, binaklas

Isang malaking billboard na nakakabit sa SM Manila sa Ermita, ang matagumpay na binaklas ng mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO at Bureau of Fire Protection Special Rescue Unit.

Naging kapansin-pansin kanina ang paggalaw ng scaffolding na pinagkakapitan ng nabanggit na billboard.

Yan ay dahil sa malakas na hangin at pabugso-bugsong malakas na ulan na nararanasan dito sa lungsod ng Maynila.


Dahil dyan ay agad kinordon ng mga tauhan ng NDRRMO at BFP ang lugar kung saan nakakabit ang malaking billboard upang matiyak na walang madidisgrasya dito.

Facebook Comments