ISANG MALAKING KUMPANYA, NAGPAHAYAG NG KAGUSTUHANG MAMUHUNAN SA LALAWIGAN NG PANGASINAN

Isa sa layunin ngayon ng kasalukuyang administrasyon ng Pangasinan ang makapag-imbita ng maraming negosyante sa lalawigan upang makatulong sa mga Pangasinense na makapagbigay ng maraming trabaho.
Sa naganap na pagpupulong ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa pangunguna ng Gobernador kasama ang isang malaking kumpanya na Charoen Pokphand Foods Philippine Corporation na dinaluhan ni Phaisarn Rewriab, ang Vice President ng nasabing kompanya na isang Thai Company ay nagpahayag ito ng interes sa pamumuhunan sa lalawigan.
Ayon sa banyagang investor, malaki umano ang potensiyal ng probinsya sa sektor sa aquaculture, swine at poultry production kung saan ang kumpanyang ito ay mayroon ng iba’t ibang kumpanya sa bansang Thailand at ilang parte ng South East Asia.

Nauna nang nakipagpulong ang naturang kumpanya sa Pangulo ng Pilipinas upang humingi ng tulong sa paghahanap ng nararapat na lugar sa itatayong negosyo at isa ang lalawigan na binisita ng kumpanya.
Ayon sa gobernador, malaking pagkakataon aniya ang maiaambag nito upang mapalago ang ekonomiya ng lalawigan maging ang bansa. |ifmnews
Facebook Comments