Isang Malaysian national, hinarang ng Coast Guard Zamboanga

Zamboanga – Pinigil ng Philippine Coast Guard sa Zamboanga ang isang Malaysian national na hinihinalang miyembro ng terrorist group.

Ayon kay Cmdr. Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, sakay ang suspek ng isang Nissan Navara, na kanilang hinarang matapos na upuan ng mga k-9 unit ng Coast Guard Zamboanga sa isang pribadong wharf sa area ng Baliwasan.

Hindi muna pinangalanan ng Coast Guard ang Malaysian National habang bineberipika pa nila ang impormasyon na may kuneksyon ito sa miyembro ng Abu Sayyaf.


Ang pribadong wharf ay ginagamit din bilang isang altertibong daungan, para makapasok at makalabas ang ilan mula sa Zamboanga, na kabilang sa mahigpit na binabantayan ngayon ng pamahalaan.

 

Facebook Comments