Isang mall sa Caloocan City, gagawin na ring vaccination site

25

Inihayag ng Caloocan City Government na simula bukas bubuksan na ang SM Center Sangandaan bilang karagadagang COVID-19 vaccination site sa lungsod.

Ayon kay Caloocan City Mayor Oca Malapitan, gagawing vaccination site ang mga sinehan ng mall at mismong mga city health worker ang mangunguna sa pagbabakuna.


Ang mga priority groups muna mula A1, A2 at A3 mula sa mga barangay sa South Caloocan ang mauuna sa vaccination.

Tatanggap ito ng 400 slots mula Lunes hanggang Sabado, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Ayon sa alkalde, ailangan lamang na mag-download ng StaySafe App ang magpapabakuna para sa contact tracing ng establisyimento.

Facebook Comments