Isang maswerteng misis mula sa CAA Las Piñas City, nagwagi ng House and Lot sa vaccine incentive program ni Rep. Camille Villar

207

Isang maswerteng misis ng tricycle driver ang nanalo ng House and Lot sa vaccine incentive program na ‘May Bahay sa Bakuna’ ni House Deputy Speaker at Las Piñas City Rep. Camille Villar.

Nitong Martes ginanap ang turnover ng bagong Bria Homes kay Otelia Soriano ng Barangay CAA.

Bukod dito, dalawang residente rin ang nanalo ng bagong motorsiklo at sampung iba pa ang nag-uwi ng tig-P5,000 halaga ng grocery items.


May ipinamigay rin si Villar na mga tablet at smart phones bilang minor prizes.

Inilunsad ng batang Villar ang programa nitong Hunyo upang himukin ang mga residente na magpabakuna kontra COVID-19.

Sa kasalukuyan, naabot na ng Las Piñas ang herd immunity kung saan 466,984 residente nito ang fully-vaccinated habang nasa 529,000 ang naturukan ng unang dose.



Facebook Comments