Manila, Philippines – Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagkumpirma na mayroon siyang sinibak na mataas na opisyal ng Gobyerno.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa paglulunsad ng Anti-trafficking OFW Movement o ATOM sa Sofitel sa Pasay City ay sinabi ni Pangulong Duterte na mayroon nga siyang tinanggal sa posisyon pero hindi aniya niya ito papangalanan para hindi na mapahiya ang sinibak na opisyal.
Ito naman ay sa harap ng umuugong na balita na nanganganib na masibak sa posisyon si Transportation Arthur Tugade dahil sa bagal umano nitong solusyunan ang mga problema sa transportasyon tulad ng trapik sa metro manila, kawalan ng plate number ng gma sasakyan at ang kawalan din ng plastic license card.
Inungkat pa umano ang mga kinasangkutang issue nito noong nauupo pa bilang Chairman ng Clark Development Corporation kabilang ang approval umano nito sa 7 billion development project na hindi umano dumaan sa Public Bidding.
Isang mataas na opisyal ng gobyerno, sinibak ni Pangulong Duterte
Facebook Comments