Isang memo umano na galing sa tanggapan ni Executive Secretary Vic Rodriguez na may petsang July 15, 2022 ang naging basehan ng mga opisyal na lumagda sa Sugar Order Number 4 ukol sa impormasyon ng 300,000 metriko tonelada ng asukal na hindi aprubado ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sinabi ito ni Department of Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian sa joint hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability at Committee on Agriculture and Food.
Dagdag pa ni Sebastian, basehan din ng kanyang aksyon ang mga data at analysis na bumababa talaga ang suplay ng asukal sa bansa at tumataas ang presyo nito.
Sa nasabing pagdinig, nabanggit naman ni dating Sugar Regulatory Administration o SRA Administrator Hermenegildo Serafica na nagsagawa sila ng referendum para maipasa ang Sugar Order No. 4.
Umaasa naman si Quezon 1st District Rep. Wilfrido Mark Enverga, na sa pagdinig ng kamara ay makakikita rin ng solusyon kung paano mapapatatag ang industriya ng asukal bukod sa pagkalkal sa mga posibleng iregularidad sa importasyon nito partikular sa inilabas na SO # 4.