Roxas City – Patay ang 13 anyos na menor de edad matapos tamaan ng bala sa isinagawang operation ng kapulisan laban sa dalawang magkakapatid sa Barangay Agpalali, Tapaz, Capiz noong nakaraang araw.
Ayon kay Police Senior Inspector Hilbert Gervero, hepe ng Tapaz PNP, bitbit ng mga pulis ang warrant of arrest sa kasong murder laban sa magkakapatid na sina Mario at Rolando Felomino.
Parating palang ang mga pulis nang paulanan ng bala ng mga suspek at doon napilitang magpaputok ang mga otoridad.
Sinabi ni Gevero na biglang tumakbo ang menor de edad palapit sa kanyang ama na isa sa mga suspek at tinamaan ito ng bala na naging dahilan ng kanyang pakamatay.
Inaalam pa ng mga pulis kung saan nagmula ang bala na tumama sa biktima.
Samantala narekober ng mga pulis ang isang 12 gauge shotgun na pinaniniwalaang pag-aari ng tumakas na mga suspek.
DZXL558