Isang menor de edad, patay nang barilin umano ng pulis sa Caloocan

Patay ang isang pitong taong gulang na bata habang sugatan ang 65-anyos na ginang nang barilin ng isang pulis sa Camarin, Caloocan City.

Kinilala ang mga biktima na sina Gian Habal at Elsa Francisco Montañez.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakarinig ng mga putok ng baril ang asawa ni Montañez na si Arsenio.


Nang lumabas siya, nakita niya ang kaniyang asawa na hawak si Habal na may tama ng bala ng baril sa ulo.

Hinabol pa ni Arsenio ang suspek na si Police Corporal Rocky Delos Reyes pero binaril ito ng suspek na tuluyan na ring nakatakas.

Naisugod naman sa ospital si Habal pero idineklarang dead on arrival habang patuloy namang ginagamot sa ospital si Elsa.

Giit naman ni Delos Reyes matapos sumuko sa pulisya, may nakaengkuwentro siyang suspek at aksidenteng nabaril ang mga biktima.

Facebook Comments