Tinatayang aabot sa isang milyong deboto ang dadagsa sa ika-100 anibersaryo ng Canonical Coronation ng Our Lady of Manaoag na gaganapin sa Abril 22, 2026 sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag.
Abala ngayon sa malawakang pagsasaayos ang naturang minor basilica bilang paghahanda sa makasaysayang pagdiriwang.
Ayon sa lokal na pamahalaan, nasa 30 porsyento na ang natatapos sa mga renovation, partikular sa loob ng simbahan.
Inaasahan ding dadalo ang nasa 500 pari at obispo mula sa iba’t ibang diocese sa buong Pilipinas.
Ayon sa pamunuan, bahagi ng patuloy na beautification ng simbahan ang layuning higit pang mapalakas ang katayuan nito bilang isa sa mga pangunahing pilgrimage site sa bansa.
Patuloy naman ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan at ng simbahan upang matiyak ang maayos at ligtas na pagdiriwang ng sentenaryo.








