Narekober ng militar, pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency – Bangsamoro Autonomous Region in. Muslim Mindanao (PDEA-BARRM) ang isang milyong halaga ng shabu sa kanilang isinagawang buy-bust operation sa public market ng Barangay Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kahapon.
Sa ulat ni AFP Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., nakalagay sa limang heat-sealed transparent plastic sachets ang narekober na 250 gramo ng shabu na may halagang isang milyong piso.
Habang arestado naman ang dalawa pang suspek na sina Sabir Tahir Omar, alyas “Bertos Taher Omar”, at Enar Lumawan Bulilo, alyas “Jabbar”.
Nakuha rin ng mga awtoridad sa mga suspek ang isang genuine P1,000 bill at boodle money na P600,000.
Tatlong cellular phones, wallets at identification cards, isang black sling bag at isang motorsiklo.
Sa ngayon, nahaharap na sa kaso ang mga naarestong suspek.