Aabot pa sa isang milyong mga kaso ang hindi pa nareresolba ng mga korte sa buong bansa.
Kasunod na rin ito sa naging pagtatanong ni Senate President Jinggoy Estrada sa Judiciary budget kung saan si Senate Finance Committee Chairperson Grace Poe ang dumidepensa sa budget ng ahensya sa plenaryo.
Sinabi ni Poe na may mahigit 14,570 na hindi pa nareresolbang kaso sa Supreme Court; mahigit 26,000 naman ang sa Court of Appeals; nasa 1,500 sa Court of Tax Appeals; 362,000 naman sa mga Regional Trial Courts; at 298 na kaso naman sa Sharia Court.
Ang mga natitira naman ay mga kasong hindi pa nareresolba na nasa family courts, metropolitan at municipal trial courts, municipal circuit trial courts at Sharia circuit courts.
Sa kasalukuyang ay pinag-aaralan ng Korte Suprema ang digitalization ng kanilang mga court process at paggamit din ng artificial intelligence para mapabilis ang proseso ng paglilitis ng mga kaso.