Isang milyong pag-atake sa website ng Kamara, naharang

Sa pamamagitan ng Cloudflare service ay naharang ng Information and Communication Technology Service ng House of Representatives ang 541.66 milyong Distributed Denial-of-Service (DDoS) attack sa website nito.

Ayon kay House Secretary-General Reginald “Reggie” S. Velasco sa pagitan ng 8 at 9 ng umaga noong Marso 13 ay nagkaroon ng 53.72 milyong DDoS attack sa website ng Kamara.

Sabi ni Velasco, galing ang pag-atake sa Indonesia, Amerika, Colombia, India, at Russian Federation pero maaari ring hindi ito totoo dahil maaaring gumamit ng virtual private network (VPN) upang maitago ang lokasyon ng mga hacker.


Binanggit ni Velasco, na bandang 2:52 naman ng hapon noong Miyerkules ay naitala ang 487.93 million na pag-atake mula sa Tunisia, Thailand and Greece.

Sabi ni Velasco, inireport na ng Kamara sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang nangyari at patuloy ang ginagawang pagbabantay ng ICTS Team.

Tiniyak ni Velasco, gumagawa na ng hakbang ang Kamara upang matiyak na hindi makalulusot ang mga hacker.

Facebook Comments