Isang milyong pisong halaga ng ecstasy, nakumpiska ng PDEA sa Mandaluyong City

Mandaluyong City – Nakumiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa mahigit isang milyong halaga ng ecstasy sa isang lalaki na high value target ng ahensiya.

Hindi na nakaporma pa ang suspek na si Jovet Atelano nang pasukin ng PDEA ang kaniyang unit sa G.A. tower condominiums sa Barangay Malamig, Mandaluyong City.

Bukod sa ecstasy, nakuha din sa pag-iingat ng suspek ang P180,000 halaga ng shabu, ilang piraso ng gamot na valium at mogadon na ginagamit niya bilang pampakalma.


Itinanggi naman ng suspek na kaniya ang mga nakumpiskang droga pero hindi naman niya masabi kung sino at kanino galing ang mga ito.

Facebook Comments