Isang milyong trabaho, target na ilikha ng pamahalaan ngayong taon

Manila, Philippines – Nasa 900,000 hanggang isang milyong trabaho ang target na malikha ng pamahalaan ngayong taon.

Ayon kay Department of Labor and Employment Bureau of Labor and Employment (BLE) Director Dominique Tutay, inaasahan makakalikha ng trabaho ang paghahanda para sa 2019 midterm election.

Inaasahan din aniya ang pagbubukas ng mga trabaho sa sektor ng construction, tourism, logistics, manufacturing, at IT-business process management para sa “build build build” program.


Facebook Comments