Zimbabwe – Pinangangambahang patay na ang nasa 23 illegal miners matapos malubog sa baha ang underground tunnel dahil sa pagkasira ng isang dam.
Pinasok ng mga biktima ang minahan na sakop ng lupang pagmamay-ari ng Riozim para makakuha ng ginto nang masira ang dam.
Ayon sa administrator ng lugar, pinaniniwalaang na-trap ang mga biktima sa tunnel at mababa ang tiyansa na masagip pa ang mga ito.
Humiling na ng malalaking pumps ang gobyerno para sipsipin ang tubig para marekober ang mga posibleng bangkay.
Facebook Comments