ISANG MINERO, NAILIGTAS MULA SA TUNNEL SA NUEVA VIZCAYA; ISA PA, POSIBLENG BUHAY

CAUAYAN CITY – Natagpuang buhay ng mga rescuer si Alfred Bilibli y Dulnuan, isa sa limang minero na na-trap sa isang tunnel sa Brgy. Runruno. Si Bilibli ay mula sa Maddela, Quirino, at nailigtas habang isinasagawa ang retrieval operations.

Pinaniniwalaan namang buhay pa rin si Joval Bantiyan, isa pang minero mula sa parehong bayan. Patuloy ang operasyon ng BFP, PNP, MDRRMO, at FCF Minerals upang mailigtas ang iba pang kasamahan.

Kasama nilang na-trap sa tunnel sina Daniel Segundo Paggana, Lipihon Ayudan, at Florencio Indopia , pawang residente ng Brgy. Runruno.

Una nang iniulat ng mga awtoridad na posibleng patay ang limang minero matapos silang pumasok sa 300 metrong tunnel kung saan pinaniniwalaang kakulangan sa oxygen ang dahilan ng insidente.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyong isinisagawa ng mga awtoridad kaugnay sa insidente.

Facebook Comments