Isang miyembro ng Abu Sayyaf Group, patay sa engkwentro

Manila, Philipines – Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group habang isa ang sugatan sa panig ng militay sa engkwentro sa Patikul Sulu nitong araw ng Lunes.

Nagsasagawa ng operasyon ang tropa ng 21th infantry battalion ng Philippine Army sa Sitio Kabbonlatih, Barangay Latih ng makasagupa ang grupo ni ASG Sub-Leaders Jamiri Jaong Jawhari, Amah Bers, Basaron Arok at Amah Ollah.

Matapos ang bakbakan, narekober ang matataas na kalibre ng baril tulad ng isang K3 assault rifle, m16 rifle at isang baby m16 at m203 grenade launcher.


Facebook Comments