Isang miyembro ng Aegis Juris Fraternity, lumantad sa NBI

Manila, Philippines – Lumantad sa National Bureau of Investigation ang isa pang miyembro ng Agies Juris Fraternity na si Aeron Salientes.

Si Salientes ay itinuturing na ‘person of interest’ sa pagkamatay ng law student na si Horacio Castillo III.

Kasama din ang pangalan niya sa inilabas na Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ng Department of Justice.


Ayon kay Salientes, wala siya sa Maynila nang mangyari ang initiation rites na ikinasawi ni Castillo.

Hindi rin aniya niya kilala sina Castillo maging si John Paul Solano.

Giit pa ni Salientes, may mga testigo siyang pwedeng iprisinta para patotohanan na siya ay inosente.

Matatandaang una nang sumuko kay Senador Panfilo Lacson ang isa sa mga pangunahing suspek na si Solano na hawak na ng Manila Police District.

Facebook Comments