Isang miyembro ng Aegis Juris Fraternity, nagsampa ng kaso sa Manila Prosecutors Office laban sa kanyang kapatiran

Manila, Philippines – Nagsampa ng kaso sa Manila Prosecutors Office ang isang miyembro ng Aegis Juris Fraternity ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide laban sa mahigit 28 kasapi ng naturang fraternity.

Base sa anim na pahinang Complaint Affidavit ni Carlos Brian Bangui, miyembro ng Aegis Juris Fraternity, nagsampa siya ng kaso laban sa 28 na kanyang mga ka-brod upang linisin ang imahe ng kanyang Kapatiran.

Naniniwala si Bangui na mayroong pananagutan ang kanyang mga ka-brod pero nilinaw nito na wala silang intensyon na patayin sa pamamagitan ng paddle si Horacio Atio Castillo III.


Paliwanag ni Bagui, dapat maparusahan ang mga respondents sa pagkamatay ni Atio na naaayon sa kanilang pagkakasala.

Ang Anti Hazing Law ay may kaakibat na parusang Physical Injuries pero kung ang biktima ay nasawi habang isinasagawa ang hazing ang pinakamataas na parusa ay Reclusion Perpetua o habang buhay na pagkabilanggo at walang kaukulang piyansa.

Facebook Comments