Isang miyembro ng Bahala na Gang, arestado sa Quezon City dahil sa iligal na droga

26

Quezon City – Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang miyembro ng bahala na gang matapos ang buy bust operation sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ang suspek na si Niño Baccay 39 anyos.

Ayon sa paunang impormasyon isinagawa ng nga tauhan ng drug enforcement team ng proj 4 station ang buybust at ang target ay si Baccay. Isang pulis ang nagpanggap na buyer at bumili ng shabu mula sa suspek.

Agad na hinuli ang suspek ng mga operatiba matapos iabot ang ilegal na droga.

Nakuha sa suspek ang apat na sachet na may lamang shabu.

Kakasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act si Baccay.

Facebook Comments