Isang miyembro ng bandidong ASG, arestado ng NBI sa Taguig City

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Counter Terrorism Division (NBI-CTD) ang isang Abu Sayyaf Group (ASG) member na matagal nang wanted sa batas dahil sa kaso ng kidnapping.

Sinalakay ng mga operatiba ng NBI-CTD ang pinagtataguan sa Maharlika Village, Taguig City ni Wahab Jamal Sabirani na may alias na Ustadz Usman Halipa.

Batay sa record na hawak ng NBI, sangkot si Jamal sa pangingidnap sa Golden Harvest Plantation sa Tairan, Lantawan, Basilan Province noong 2001 kung saan kasama ito sa inilabas noon na warrant of arrest.


Sa ngayon ay aabot na sa 27 ang bilang ng mga naaresto ng NBI na mga miyembro ng teroristang ASG mula noong 2018.

Sa pahayag ni Jamal, napilitan umano siyang lisanin ang kabundukan ng Mindanao at magtungo ng Metro Manila dahil hindi na nito makayanan ang pinaigting na operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tumutugis sa bandidong grupo.

Facebook Comments