Isasailalim na inquest proceedings ang isang miyembro ng Bayan Southern Tagalog matapos ang nangyaring tensyon kahapon sa kasagsagan ng kilos protesta sa Department of Justice (DOJ).
Magdamag nanatili sa Manila Police District (MPD) Station-5 si alyas Jr., 53-anyos na residente ng Brgy. San Isidro, Antipolo City.
Nabatid na positibo siyang itinuro ng guwardiya ng DOJ na sumapak at namukpok ng hawak nitong spray paint.
Ito’y matapos sawayin ng mag-vandal sa pader ng DOJ.
Reklamong physical injury ang kakaharapin kaso ng miyembro ng Bayan Southern Tagalog habang sasampahan din ito ng reklamong vandalism ng DOJ.
Dahil sa insidente, todo-bantay ang ilang tauhan ng MPD Station-5 sa labas ng DOJ gayundin sa Supreme Court at tanggapan ng US Embassy.
Facebook Comments