Isang miyembro ng Bayawak syndicate, patay sa pakikipagbarilan

Taguig City – Patay on the spot ang isang miyembro ng “Bayawak” sindikato ng ilegal na droga matapos na maka-engkwentro ng mga operatiba ng Taguig Intelligence sa C6 Brgy. Lower Bicutan, Taguig, City.

Ayon kay Taguig City Chief of Police Sr. Supt. Alex Santos nagsagawa ng Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operation o SACLEO sa C6 Brgy. Lower Bicutan nang maispatan nila ang dalawang miyembro ng grupong “Bayawak” na sangkot sa illegal drug trade sa Lower Bicutan.

Paliwanag ni Santos sinita ng kanyang mga tauhan ang naturang mga suspek pero sa halip na tumigil bumunot ng kalibre 45 baril ang isa sa dalawang suspek at pinaputukan ang mga operatiba ng Intel Group ng Taguig PNP kayat gumanti rin ng putok ang mga pulis na nagresulta sa agarang kamatayan ng hindi pa kilalang miyembro ng “Bayawak” habang nakatakas ang kasamahan nito.


Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang kalibre 45 baril at limang sachet na may lamang hinihinalang shabu.

Facebook Comments