
Isang miyembro ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang posibleng magbitiw bunga ng pagkadismaya sa kakulangan ng kapangyarihan ng komisyon.
Ibinunyag ito ni House Senior Deputy Majority Leader Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice sa kanyang privilege speech sa session ng Kamara.
Ayon kay Erice, sinabi ng nabanggit na opisyal ng ICC na dahil wala silang contempt powers ay mas mainam pa na ipasakamay ng National Bureau of Investigation (NBI) at Ombudsman ang pagsisiyasat.
Bunsod nito ay umaapela si Erice sa Malacañang na sertipikahang urgent ang House Bill No. 4453 o panukalang Independent Commission Against Infrastructure Corruption Act of 2025 upang bigyan ng “ngipin” ang ICI na nag-iimbestiga sa maanumalyang flood control projects.









