Manila, Philippines – Sumuko sa tropa ng gobyerno ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) bitbit ang high-powered firearm kahapon.
Ayon kay Lt. Col. Virgilio Hamos Jr., commanding officer ng 53rd Infantry Battalion ng Philippine Army, ang sumuko ay miyembro ng Sandatahang Youth Propaganda-Kara na nag-o-operate sa bulubunduking bahagi ng Zamboanga Del Sur.
Kinilala ang sumuko na si Jonilo Balabag “Ka Joel”, 25-anyus, nakatira sa matalang Lakewood, Zamboanga Del Sur.
Dagdag pa ni Hamos, inihahanda na ng gobyerno ang ipagkakaloob na ayudang pinansiyal at kabuhayan alinsunod sa comprehensive local integration program ng gobyerno.
DZXL558
Facebook Comments