MANILA – Ilang araw matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tigil-putukan ng pamahalaan sa CPP-NDF-NPA, patay ang isang miyembro ng New People’s Army sa pakikipagbakbakan sa mga sundalo.Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public Affairs Chief Colonel Edgard Arevalo – naganap ang bakbakan sa Sta. Cruz, Occidental Mindoro.Pinabulaanan naman ni Arevalo ang pahayag ng NPA na naunang pumasok ang mga militar sa mga teritoryo ng komunistang grupo bago pa man bawiin ang ceasefire.Katunayan ayon kay Arevalo, ipinagpatuloy nga ng NPA ang pangingikil bagaman may umiiral na ceasefire.
Facebook Comments