Isang miyembro ng QCPD CIDG, sugatan sa nagpapatuloy na palitan ng putok sa pagitan ng mga pulis at hinihinalang miyembro ng bonnet gang sa Quezon City

Quezon City – Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD at mga pinaghihinalaang mga miyembro ng bonnet gang sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Ayon kay QCPD District Director Police/Chief Supt. Guillermo Eleazar magsisilbi sana ng Warrant of Arrest ang mga tauhan ng QCPD-CIDU sa hinihinalang mga miyembro ng bonnet gang sa Perya Compound, Pook Dela Pas, kanto ng Ilang-Ilang Brgy. Old Balara, Quezon City pero agad silang sinalubong ng mga sunod-sunod na putok ng baril mula sa mag miyembro ng bonnet gang.

Sabi ni Eleazar isang miyembro ng QCPD ang tinamaan ng bala ng baril na agad dinala sa pinakamalapit na pagamutan.


Nagpapatuloy pa rin ang stand off sa lugar habang pinapaalis ang mga usosero upang hindi madamay at tamaan ng ligaw na bala.
DZXL558

Facebook Comments