Isang Motorista, Patay Matapos mabangga ng Sasakyan sa Burgos, Isabela!

136

*Burgos, Isabela- *Patay ang isang lalaki matapos mabangga ng kasunod na sasakyan ang kanyang minamanehong motorsiklo sa pambansang lansangan ng Brgy. San Antonio, Burgos, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Jolie Biado, 56 anyos at residente ng brgy. Mabini, Gamu, Isabela habang ang suspek at driver ng pick-up na may plakang UQM 824 ay si Dan Carlo Maquinad ng Brgy. District 3, Gamu, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, lumalabas sa inisyal na report ng PNP Burgos na parehong binabaybay ng biktima at suspek ang naturang lansangan nang bigla na lamang mabangga ni Maquinad ang motorsiklo ng biktima.

Sa lakas ng pagkabangga ay tumilapon ang biktima at nagtamo ng malalalim na sugat sa katawan na agad namang isinugod sa pagamutan subalit idineklara din itong Dead on Arrival ng attending physician.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang sangkot na behikulo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda naman ng PNP ang kakaharaping kaso ni Dan Carlo Maquinad.

Facebook Comments

From Advertisers